11-Anyos na bata sa pangasinan, nasawi matapos mahulog sa puno ng mangga

11-Anyos na bata sa pangasinan, nasawi matapos mahulog sa puno ng mangga

Nasawi ang 11-anyos na si Rogelio Neblasca matapos mahulog sa puno ng mangga sa Barangay Ariston West, Asingan, Pangasinan

Ayon sa report, umakyat umano sa nasabing puno ang biktima para kumuha ng mangga. Pero bigla na lamang nahulog ang bata sa mataas na puno.

Lumabas pa raw ang isang mata ng bata dahil sa tindi ng pagkakahulog niya. Itinakbo pa sa ospital ang biktima pero hindi na siya nagtagal. Nanawagan ng tulong ang kanyang pamilya dahil kailangan nila ng pera para sa pagpapalibing ng bata.