15-Anyos na Binatilyo, Na-Stroke Dahil sa Paglalaro ng Online Games ng 22 Oras Kada Araw.

15-Anyos na Binatilyo, Na-Stroke Dahil sa Paglalaro ng Online Games ng 22 Oras Kada Araw.

Iba na ang paglalaro ng mga kabataan sa ngayon, kung noon ay umuuwing may mga gasgas ang kabataan dahil sa larong pisikalan, kanilang nagagalaw ang mga buto-buto at naging malakas at alerto.

Subalit sa panahon ngayon, kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya, marami na ang nagbago sa tao dahil sa sobrang paggamit nito. Ang mga gadget at ibang teknolohiya ay lubusang nakakatulong upang mapagaan ang mga gawain, subalit may ibang epekto naman na nagdadala ng masamang epekto sa katawan.

Halimbawa na nito ang sobrang paglalaro ng mga kabataan sa video games na hindi na nila nagagalaw ng maayos ang kanilang katawan at naging pagod na lamang sa kahihiga at upo sa kanilang mga tahanan.

Dahil dito may mga kabataang nasa murang edad ay nakakaranas na ng sakit ng pangmatanda. Katulad na lamang sa nangyari sa batang lalaking ito.

Paralisado ang kaliwang braso at kamay ng isang binatilyo sa China matapos ang halos walang tigil na paglalaro ng video games sa loob ng isang buwan.

Nawalan na lang ng malay isang araw noong Marso ang 15-anyos na si Xiaobin, dahilan upang isugod sa ospital, ayon sa ulat ng Nanning TV via AsiaOne nitong Lunes.

Sinabi ng mga magulang ni Xiaobin sa doktor na inakala nilang nag-oonline class lang ang anak kaya naglalagi sa kuwarto magmula nang ipatupad ang C0VID-19 lockdo0wn.

“He shut the windows and locked the door. We had no idea what he was doing in there,” saad ng nanay.

Kalaunan nang madiskubre nilang abala pala ang anak sa paglalaro na inaabot ng 22 oras kada araw.

“I saw his online conversation with friends. He said he wasn’t well rested and was sleeping for at most two hours a day,” dagdag ng ina.

Nasuri sa ospital na nagkaroon ng carebral ischemic stroke si Xiaobin dulot ng kawalan ng sapat na tulog o pahinga.

“A lack of nutrition and rest had led to a reduced amount of blood and oxygen in his brain and caused a cerebral stroke,” paliwanag ni Dr. Li, brain specialist sa ospital.

Sumasailalim na si Xiaobin sa rehabilitation treatment mula noong Marso, ngunit sinabi ng mga doktor na hindi tiyak kung tuluyang babalik ang pakiramdam sa kaliwa niyang braso at kamay.