2 years old na Bata naka akyat na sa 5 Bundok


Ibinahagi ni Karen Espinosa sa kanyang Facebook account, ang kanilang mountain adventure ng kanyang partner, kasama ang kanilang anak na si Noa Elia, 2 taong gulang.

Sa kanyang murang edad ay nakaranas na ito ng pamumundok, kasama ang kanyang mga magulang.
Limang bundok na ang napagtagumpayan ng batang si Noa. Nito ngang September ay sa Mt. Pulag, Benguet ang kanyang ika 5 Bundok na naakyat.


Ang Mt. Pulag ay may taas na 2,928 meters, itinuturing na ikatlong pinakamataas na bundok sa Pilipinas at ang pinakamataas na bundok sa Luzon.


Ang unang mountain hiking ni Baby Noa ay nangyari noong Agosto 2021 sa Mt. Gulugod Baboy, sa Batangas, tinawag ding beginner-friendly mountain.
Sinundan ng Mt. Manabu, Mt. Talamitan, Nasugbu Batangas at Manabu, Biak na Bundok, Malipunyo Range Traverse borders ng Batangas and Laguna

Naging hobby daw ito ng mag partner simula palang noong nagbubuntis pa ito.

”Hobby lang talaga namin ni partner prior pa ng pregnancy ang mountaineering/hiking, kaya noong nagka-baby kami, sinasama namin siya lagi,” – pagpapahayag ni Karen sa Philippine Star.


”We’re hoping na makakahiligan niya rin ang mountaineering soon,” dagdag pa nito.


Makikita naman na nag eenjoy ang batang si Noa sa hobby ng kanyang mga magulang. Maganda din ito dahil nagkakaroon siya ng interaksyon sa kalikasan at napapalakas pa nito ang kanyang katawan.