22 Years nang Naninirahan sa Imburnal ang Mag-asawang Ito, Pero di mo Aasahan ang Makikita sa Loob nito.

22 Years nang Naninirahan sa Imburnal ang Mag-asawang Ito, Pero di mo Aasahan ang Makikita sa Loob nito.

Ayon nga sa itinuro sa atin “Don’t judge the book by its cover” daw. Marami kasi sa atin ang mas nagbibigay pansin sa panlabas na kaanyuan ng tao, o isang bagay, pero di natin alam ang tunay na magandang saloobin nito, ugali, at nilalaman.

Katulad na lamang sa tahanan ng mag-asawang ito mula sa Colombia na sina Maria Gracia at Miguel Restrepo, nakatira sila sa isang Imburnal sa loob na ng 22 taon.

Sa mga makakabasa ng artikulong ito, marahil marami ang magtatanong kung bakit sila nagtiis sa ganitong uri ng tahanan, na malayo sa pangarap ng ibang mag-asawa? pero may kakaibang taglay pala ito sa loob kapag sinilip ninyo.

Noong magkakilala silang dalawa, parehas pa silang ad1k sa dr0ga. Sa Medellin, Colombia sila nagkakilala, isang lugar na notoryus sa kr1men at dr0ga. Ngunit nang sila ay nagsimulang magmahalan, nangako silang pagbubutihin na ang kanilang buhay. Sabay nilang itinigil ang pagdodr0ga at nangakong mabubuhay nang matino.

Dahil wala silang kapera-pera at wala ring mga taong maaaring tumulong sa kanila, sa loob ng imburnal na ito nakahanap ng matutuluyan ang mag-asawa. Kung akala ninyo ay napapalibutan sila ng basura, dumi ng tao, o putik, nagkakamali kayo. Ang totoo niyan, nabago nila ang imburnal na ito para maging isang maayos na tahanan para sa kanilang pamilya.

Sa kasamaang palad ay di sila biniyayaan ng anak, pero mayroon silang asong si Blackie na siyang nagsisilbing taga bantay ng kanilang bahay kapag umaalis ang mag-asawa.

Nakapundar na rin sila ng mga pangunahing gamit sa kanilang munting tahanan, may telebisyon, kuryente, tubig at kusina sa loob nito, Kung sila raw ang tatanungin ay hindi na sila humihiling ng higit pa rito. Wala na rin silang intensyon na iwan ang kanilang tahanang noon ay simpleng imburnal lamang.

May mga dekorasyon din ang kanilang bahay, katulad ng mga ibang pamilya na may normal na tahanan kapag mayroong selebrasyon. Tignan po sa video ang loob ng tahanan ng mag-asawang ito: