26-Anyos na Lalaki, Nakapag-Patayo na ng Sariling Gas Station dahil sa Kanyang Sipag

26-Anyos na Lalaki, Nakapag-Patayo na ng Sariling Gas Station dahil sa Kanyang Sipag

Hinangaan ng maraming netizens ang pagpupursigi ng isang millenial na kusinero ng barko matapos makapagpatayo ng sarili niyang Gas Station.

Nagtrabaho umano si John Ebreo ng anim na tao bilang isang kusinero ng barko. Nag-ipon siya upang makapagpatayo ng sarili niyang negosyo. Mayo 2020 nang magbukas ang kanyang Gas Station kahit na dumating ang pandemya sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas ay may pinagkakahuan siya ng panggastos.

Ang millenial na ito ay 26-anyos pa lamang. Nag sakripisyo umano si John Ebreo upang maabot ang kanyang pangarap. Naging mahirap sa kanya nag pag abot sa kanyang pangarap kaya naman tinulungan siya ng kanyang ama, binenta nito ang kanyang sasakyan. Ngunit, hindi pa nakakalipas ng isang tao ay napalitan agad ito ni John Ebreo ng isang brand new car.


Payo ni John Ebreo sa mga kabataan ngayon, huwag hahayaan na mapunta sa luho ang pinaghirapang pera bagamat sanayin ang sarili na mag-ipon at maging wais sa investment.