3 Pulis, Tinulungan ang Babaeng Manganganak sa plaza at Walang Tirahan,Isa sa mga Pulis nais Ampunin ang Sanggol


Ang trabaho ng Pulis ay hindi lamang panatilihing tahimik ang ating komunindad, bagkus napakarami pa ng kanilang mga tungkulin na dapat gampanan, kahit pa man may sunog, baha at ano pang sakuna sila palagi ang nandyan at nagliligtas sa ating mga kababayan.

Marami na ring mga napabalitang t1waling kapulisan, pero mas marami din ang may pusong ginto na bukal sa pagbigay serbisyo sa ating mga kababayan. Isang halimbawa nga nito ay ang pagtulong ng tatlong pulis sa isang ginang na manganganak na kahit hindi na parti ng kanilang trabaho ay walang pag-aalinlangang tinulungan nila ito.

3 pulis ang tumutulong sa babaeng walang tirahan na ihatid ang kanyang sanggol; 1 pulis ang nais mag-ampon ng bata – Bandera

Umani ng pagpuri ang tatlong pulis, ayon pa nga  sa ulat ng PTV News, Nagpapatrolya sina Patrolmen Vinjie Nebit, Roman Paja at Rico Yan Inocencio nang marinig nila ang paghingi ng tulong ni Ma.Cecilia Cesima na noon ay nagle-labor sa Jaro Plaza.

Agad na tinulungan ng mga pulis ang babae dahil hindi na nito kayang pumunta sa ospital at kalaunan ay nailabas ang malusog na batang babae.

Dinala ng tatlong pulis ang 27-taong gulang na babae sa West Visayan State University Medical Center (WVSUMC) para sa iba pang kinakailangang medical.

Sariling pera rin ng mga pulis ang ginamit para bumili ng gatas at mga diaper para sa bagong panganak.

Napag-alaman naman na medyu may problema sa pag-iisip ang babae.

Ang isa sa mga pulis na, si Nebit, ay handa umanong ampunin ang sanggol dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng babae.”Kung walang susundan bilang ama, nais ni Patrolman Nebit na ampunin ang sanggol,” sinabi ni Kapitan ng Pulisya Eduardo Siacon, hepe ng himpilan ng pulisya ng Jaro.

3 pulis ang tumutulong sa babaeng walang tirahan na ihatid ang kanyang sanggol; 1 pulis ang nais mag-ampon ng bata – Bandera

“Saludo ako sa tatlong pulis na ito na hindi nagatubili tulungan ang babae sa kanyang panganganak. Nagawa nilang tumugon at tumulong sa taong nangangailangan ng agarang responde maski na kakaiba ang sitwasyon,” sabi ni PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar

“Ganito ang mga pulis na dapat gawing inspirasyon at huwaran ng ating hanay. Mga may tunay na malasakit sa kapwa at nasa puso ang serbisyo,” dagdag niya.