30 na taong gulang na tatay sa Sarangani, nag-enroll sa Grade 1 “Di kasi ako natutong mag basa o sumulat”

30 na taong gulang na tatay sa Sarangani, nag-enroll sa Grade 1 “Di kasi ako natutong mag basa o sumulat”

Naging viral ang video ni Rizalde Bisalona, 30 years old, ng Glan, Sarangani, habang nasa loob ng elementary classroom para uma-attend ng klase.

Naka-enroll siya ngayon bilang Grade 1 student sa Tamala Elementary School para sa school year 2022-2023.kanyang anak na lalaki.

Nagdesisyon siyang mag-enroll sa Grade 1 para hindi sayang ang kanyang oras habang hinihintay ang kanyang anak na hatid-sundo niya.


Napag-alaman ding sa kasalukuyan, ang kanyang may bahay muna ang tumatayong breadwinner sa kanilang pamilya.

Ang video kung saan ini-interview si Rizalde ng kanyang guro ay ini-upload ni Anne Patigayon, empleyada ng Department of Education Sarangani, noong September 2, 2022 sa kanyang TikTok account.

Sinabi niyang hindi niya alam ang mga letra sa alpabeto. Nakakasulat naman siya ng kanyang pangalan kung may guide o pagkokopyahan. Makikita sa mukha ni Rizalde ang excitement habang unti-unti siyang tumutuklas ng karunungan.

Determinado umano siyang matutong bumasa at sumulat. Sinimulan siyang turuan ng guro na kilalanin ang mga letra.

Saludo naman ang netizens kay Rizalde, na karamihan ay nagsabing kahanga-hanga ang kanyang determinasyong matutong bumasa at sumulat sa kabila ng kanyang edad.


Ang video ay nakakuha na ng mahigit 5.1 million views, 671,000 likes at 17,100 comments.