4Ps Beneficiaries, Hindi na Qualified sa Education Aid ng DSWD Ayon Kay Sec. Erwin Tulfo

4Ps Beneficiaries, Hindi na Qualified sa Education Aid ng DSWD Ayon Kay Sec. Erwin Tulfo

Hindi na umano qualified ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na tumanggap ng tulong pang-edukasyon para sa mga mahihirap na mag-aaral mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ayon kay Secretary Erwin Tulfo ngayong Linggo, Agosto, 21, 2022.

Sa panayam ng Super Radyo dzBB, sinabi ni Tulfo na isang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) officer ang nagsabi sa kanya na ang mga 4Ps beneficiaries ay nakakatanggap na ng educational aid mula sa DSWD, kaya hindi na sila dapat isama sa mga nabigyan ng cash assistance hanggang Setyembre. 24.

“‘Yung 4Ps is educational na po ‘yan eh. Hindi para sa pamilya. ‘Yan ay para sa bata. Kaya nga may P600, P700, P800 na mga binibigay monthly para sa edukasyon ng mga bata. Nasa polisiya ‘yan na tumatanggap na sila ng educational assistance. Dapat hindi na sila tumatanggap ng educational assistance mula sa pamahalaan,” paliwang ni Sec. Tulfo.

Gayunpaman, taliwas ito sa sinabi ni Tulfo na ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay kwalipikado rin na tumanggap ng tulong pinansyal, kaugnay ng pagbubukas ng klase sa Agosto 22. Dahil dito, humingi ng paumanhin si Tulfo sa 4Ps at nilinaw na hindi sila karapat-dapat sa AICS program.

“Bagamat nasabi ko na puwede, siguro sa pagmamadali ko noong tinatanong ako ng reporter, sinabi ko na puwede ang 4Ps. Pero noong unang labas ko sa social media sa DSWD announcement, walang