5-year-old na batang babae, araw-araw hinahatid sundo ang amang bulag papasok sa trabaho

5-year-old na batang babae, araw-araw hinahatid sundo ang amang bulag papasok sa trabaho

Isang makapag-damdaming video ng limang taong gulang na batang babae at kanyang ama ang mabilis na nag-viral sa social media.

Mapapanood sa video kung papaano inaalalayan ni Jenny sa paglalakad ang kanyang bulag na ama gamit ang stick papasok at pauwi sa trabaho nito.

Kinilala ang tatay ni Jenny na si Nelson “Dodong” Pepe.

Sa isang niyugan nagtatrabaho si tatay Nelson at kinakailangan umano nitong makaakyat ng 60 na puno ng niyog upang kumita ng P300 sa isang araw.

Sa larawan ay makikita rin na walang suot na tsinelas ang mag-ama habang binabaybay ang mabato at matarik na daan.

Marami ang naantig sa video ng mag-ama at maraming netizens at pribadong organisasyon ang nagnanais na tulungan sila.

Isa sa mga nagpaabot ng tulong ay ang ABS-CBN Foundation. Pinaluwas nila si tatay Nelson sa Maynila at doon na natuklasan ng mga doktor na mayroon siyang “retinal detachment” at “retinitis”.

Ipinahayag din naman ng ABS-CBN na tutulungan nila ang pamilya na magkaroon ng “livelihood training” at makalipat sa mas ligtas na tirahan.

Sa ngayon ay marami nang natanggap na tulong ang pamilya. Labis labis ang pasasalamat nila dahil hindi na sila sobrang mahihirapan pa.

Ito ay dahil sa tulong ng mga mabubuting tao at mga organisasyon na walang ibang nais kundi ang makatulong sa mga taong nangangailangan.