6 Magkakapatid, Nagtapos ng Pulis sa Tulong ng Kanilang Mga Magulang!


Nakakamangha ang mga magulang na handang hamakin ang lahat, maibigay lang ang pangangailangan ng kanilang mga anak. Hinangaan online ang mag-asawang Crispin at Clemencia Guelos mula sa Iloilo City. Napagtapos kasi nila sa pag-aaral ang kanilang anim na anak na babae at lahat sila ay Policewoman. Ngunit bago marating ang pangarap ng mag-asawa para sa kanilang mga anak ay marami silang pinagdaanang pagsubok.

Ang anim na mga anak na babae nina Tatay Crispin at Nanay Clemencia ay sina: PEMS Maria Cherry G. Demarana, PEMS Ma. Irene G. Habuyo, PSMS Sharon G. Dalit, PSSG Nerissa G. Federizo, Patrol Woman Era Dawn G. Buot and PCpl Merry Cris G. Asturias.

Bukod sa anim na Pulis ay buong ipinagmamalaki ng mag-asawa na napagtapos din nilang ang tatlo pa nilang anak na lalaki at lahat ay may sari-sariling propesyon na.

Pagtitinda at pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mag-asawa ngunit dahil sa pangarap nila para sa kanilang mga anak ay nagsumikap sila.

Narito ang post na ibinahagi ng Photographer na si Anthony Simogaan:

Despite living in poverty, their parents worked hard as laborers (as construction workers, farmers, vendors, etc.) to send their children to school.

But what’s incredibly amazing is all of their daughters graduated with different bachelor’s degrees but possessed brave hearts and strong minds to become successful police officers.” (“Sa kabila ng kahirapan, ang kanilang mga magulang ay nagsumikap bilang mga manggagawa (bilang mga construction worker, magsasaka, vendor, atbp.) upang maipag-aral ang kanilang mga anak. Ngunit ang kamangha-mangha dito ay nagtapos sila sa kani-kanilang mga kurso ngunit nagtataglay sila isip at lakas ng puso upang maging matagumpay na mga pulis.”)

Nag-iwan din ng wika ang kanilang anak na, “To succeed: work hard, never give up and above all cherish a magnificent obsession in learning the value of hard work by working hard.. Tatay, Nanay, THANK YOU!” (Upang magtagumpay: magsikap, huwag sumuko at higit sa lahat pahalagahan ang kahalagahan ng pagsusumikap sa pamamagitan din ng pagsusumikap.. Tatay, Nanay, SALAMAT!”)