73-Anyos na Lolo, Natupad ang “Dreamhouse” sa Pamamagitan ng Pagtitinda ng Polvoron at Pastillas

73-Anyos na Lolo, Natupad ang “Dreamhouse” sa Pamamagitan ng Pagtitinda ng Polvoron at Pastillas

Maituturin na isang inpirasyon ang 73-anyos na lolo dahil sa dedikasyon niya para maabot ang kanyang pangarap kahit may edad na. Siya si Lolo Pops, nakilala noon dahil sa pagtitinda ng lollipop sa labas ng isang eskwelahan sa Angeles, Pampanga. Ngunit, nang dahil sa pand3mya ay natigil ang pagawaan ng candy na hinahanguan niya ng mga lollipop.

Hindi pa rin sumuko si Lolo Pops at sinubukang magtinda ng pastillas at polvoron. Mayroong tumulong kay Lolo Pops na magbenta sa sa online apps na kung tawagin ay “Shopee”. Libi-libo na ang followers ni Lolo Pops sa kanyang shopee account at mataas din ang rating ng kanyang mga produkto.

Dahil sa maraming benta ay nakaipon din siya ng pera at unti-unting ipinagawa ang pangarap niyang bahay.

Kahit na may edad na si Lolo Pops ay pursigido pa rin siyang makamit ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan.