75-anyos na lolo, nagsusumikap sa pagtitinda ng puto at kutsinta para sa kanyang pamilya

75-anyos na lolo, nagsusumikap sa pagtitinda ng puto at kutsinta para sa kanyang pamilya

Senior citizen ng maituturing ang edad na 60 pataas dahil dito naka-base ang retirement sa pagtatrabaho upang makapagpahinga sa haba ng panahong nagbanat ng buto.

Ngunit, hindi lingid sa ating kaalaman na hindi lahat sa atin ay may magandang sitwasyon ng pamumuhay o trabaho. Kaya marami sa ating mga lolo at lola ay patuloy parin sa pagkayod at pagsusumikap para sa kanilang pamilya kahit mahina na ang kanilang katawan.

Dahil sa hirap ng buhay na nararanasan ng marami, napipilitang magbatak ng buto ang mga matatanda kahit na ito ay delikado o hindi na ligtas sa kanila ang mapagod sa araw-araw. Halimbawa na lamang nito ang isang 75 anyos na lolo na nagtitinda ng puto at kutsinta sa Imus, Cavite, na talagang umantig sa uso ng maraming netizens dahil sa pagsusumikap nito.

Ibinahagi ng netizen na si Lorraine Joanino ang kanyang paghanga kay lolo Gavino ‘Jun’ Esciso na nagtitinda sa tabi ng isang mall sa Bucandala III, Imus, Cavite. “Humanga po kami at na-inspire kay tatay kasi kahit mahirap ang ginagawa niya at may edad na, sa gitna ng pandemic nagsusumikap pa rin po siya magtinda para sa pamilya niya,” sabi ni Lorraine. Si lolo June ay nag mula sa Brgy. Salitran I, Dasmarinas City, Cavite. Aniya, halos limang taon na siyang naglalako ng puto at kutsinta sa araw-araw.

Hindi maiwasan na di ako magtitinda kasi may pinapakain ako yung isang apo kong lalaki limang taon kasi po yung magulang patay na…in-adopt ko na po yung bata kami na po ang nagpapalaki,” sabi ni lolo Jun. Sa isang araw ay umaabot raw ng 300 hanggang 500 ang kita ni lolo June. Sapat lang para matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Panawagan niya, “Ako po bilang isang vendor ay nanawagan na kung pwede kung maaari lang kung makita ninyo ako sa paglalako-lako ay tulungan nyo po ako kahit paano ay bumili-bili sila sa akin.”