80-Anyos na Lolo, Nilalakad ang 20 Kilometro Araw-araw upang Magtinda ng Bagoong na Kumikita lamang ng P50.00.


Ang retirement age ng mga matatanda dito sa bansa ay nasa 60 taong gulang, sa edad na ito inaasahang nagpapahinga na ang mga matatanda upang e-enjoy naman ang kanilang retirement pay na kanilang pinag-ipunan ng mahabang panahon.

Subalit, ang sakit makita na hindi lahat ng matatanda na nasa ganyang edad ay nagpapahinga na, yung iba ay tudo kayod parin sa gitna ng init at ulan para matustusan ang pangangailangan.

Katulad na lamang po sa nag-viral na kwento ng lolong nasa 80-anyos na na ayon sa isang netizen ay naglalako pa ng bagoong sa Pandi Bulacan at nilalakad ang halos 20 kilometrong daan.

80-anyos na lolo, naglalakad ng 20 kilometro sa pagtitinda ng bagoong ~ PINOY FORMOSA

Nakilala ang matanda na si Mang Lauro na araw-araw dala-dala ang isang timba niyang bagoong o shrimp paste. Araw-araw din, nasa 20 kilometro ang nilalakad nito sa paglalako. Di niya magawang sumakay dahil kakarampot lamang ang sinsahod niya na halos di magkasya sa kanyang maghapon.

80-anyos na lolo, lumalakad ng 20 kilometro araw-araw makapagtinda lang ng bagoong - The Daily Sentry

Isa pang nakadurog ng puso ng mga netizens ay nang malamang 80-anyos na si tatay Lauro ngunit nagagawa pa rin nitong maghanap-buhay. Habang ang ilang senior citizens ay nagrerelax at nag-e-enjoy na sa kanilang retirement, Nakalulungkot lamang isipin na kinakailangan pang magtrabaho ni tatay Lauro kahit pa sobrang liit na ng halagang kinikita. Kaya naman, walang ibang hiling ang mga netizens na nakabasa sa kwento ni tatay Lauro kundi ang matulungan siya.