9-Anyos na Bata sa Pangasinan, Binawian ng Buhay Matapos Tamaan ng Kidlat Habang Naliligo sa Ulan

9-Anyos na Bata sa Pangasinan, Binawian ng Buhay Matapos Tamaan ng Kidlat Habang Naliligo sa Ulan

Labis ang panlulumo at halos gumuho ang mundo ng isang ina na kinilalang si Jealyn Torres dahil sa sinapit ng kanyang siyam na taong gulang na anak. Ayon sa ulat, kinilala ang bata na si Laurence Arven Torres. Binawian ng buhay ang bata matapos siyang tamaan ng kidlat habang naliligo sa ulan sa Barangay Cabaloangan Norte, Rosales, Pangasinan.


Dahil sa nangyari, napuno ng lapn0s at sugåt ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng bata. Dinala pa ito sa ospital ngunit hindi na siya umabot at idineklara siyang dëåd on arrival. Ayon sa pahayag ng ina, naliligo lamang sa ulan ang kanyang anak kasama ng kaibigan.


Tinamaan rin ng kidlat ang kaibigan ni Laurence at sa kabutihang palad, nakarekober naman ito.

Muling pinapaalala ng otoridad na iwasan ang pag-ligo sa ulan habang kumukulog at kumikidlat. Iwasan ang paggamit ng gadget habang kumukulog o kumikidlat.