97-Anyos na Lola, Nagtitinda Parin sa Kabila ng Mahinang Memorya at Di Makarinig, ng Mag-isa Upang May Makain Araw araw.

97-Anyos na Lola, Nagtitinda Parin sa Kabila ng Mahinang Memorya at Di Makarinig, ng Mag-isa Upang May Makain Araw araw.

Dito sa ating bansa ang retirement age ng mga matatanda ay nasa 60-anyos, inaasahan na sa kanilang pagtunton sa ganyang edad ay makapagpahinga na sila at e-enjoy ang mga nalalabing taon nila sa mundo.

Pero tila salungat ang karamihan sa ating nakikita, madami pa ring matatanda ang kumakayod para matustusan ang kanilang pangangailangan, minsan ay para rin sa kanilang pamilya at yung iba ay namumuhay nalang mag-isa.

Katulad na lamang po ni Lola na nasa 97-anyos na, ngunit pinipilit nitong maghanap buhay upang may pangsuporta sa kanyang pangkain sa araw-araw. Ayon sa nagbahagi ng istorya na si Samuel Lee, matandang babae ay may edad na 97 taong gulang kung saan ito ay nag titinda ng mga mga prutas at gulay bilang kaniyang hanapbuhay. Ang matanda ay bumibili ng kanyang paninda sa isang supermarket at kanyang itinitinda upang kumita, pinapatungan lamang daw niya ito ng maliit na halaga.

Naging mahina na ang katawan ng mga matatanda kung kaya’t nakakaawa na makita silang kumakayod pa sa ganyang edad , medyu mahina na rin ang kanilang memorya ngunit si lola ay patuloy na nagtitinda tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo.

Kung minsan ay makikita ang matanda na nakaupo sa kanyang stall at minsan naman ay tulak-tulak nito ang isang mabigat na trolley. Ayon sa nagbahagi ng istorya ni Lola sa social media, ang matanda ay nahihirapan ng makarinig at makakalimutin na ito kung saan may mga pagkakataon na hindi na nito natatandaan ang kanyang customer na binibilhan siya ng pagkain at inumin. Gayunpaman ay nagiging masaya si Lola sa tuwing mayroong mga customer na lumalapit sakanya.

Matapos ibahagi nito ang istorya ay marami ang tumugon dito na netizen at sinabi na nasa maayos na ang kalagayan ng matanda.

Tunay ngang kahanga-hanga ang pagsusumikap ng matanda ngunit sobrang nakakalungkot din na sobrang itong nahihirapan sa kanyang ginagawa dahil sa kanyang sitwasyon. Mabuti na lamang ay meron pa rin mga tao sa paligid na handang tumulong sa iba na walang hinihinging kapalit.