Ai-Ai delas Alas, walang takot na nag punta sa mall sa Quezon City


Walang kaabog-abog at hindi natakot si Ai-Ai delas Alas na namasyal sa isang mall sa Quezon City.

Si Ai-Ai delas Alas at Darryl Yap ay idineklarang Persona non-grata ng Quezon City Council noong June 7.

Ito ay dahil sa isang viral video na gawa ni Yap kung saan pinagbidahan ni Ai-Ai ang isang parody video na nagpakita ng pangalan nina ‘BBM’ at ‘Sara’ sa harap ng seal ng Quezon

Ang naglathala ng resolution na ‘wag tanggapin sa naturang lungsod sina Ai-Ai at Yap ay si City Councilor Ivy Lagman.

Samantala, ilang linggo nga ang nakalipas nang maihain ang persona non-grata. Namataan ang komedyante na namamasyal sa isang mall sa QC.

Kasamang nagpunta ni Ai-Ai sa Quezon City mall kahapon, Martes ng hapon, June 21, ang kanyang anak na si Seth Andrei at ang kanilang aso na si Sailor.

Ayon kay Ai-Ai ay hindi daw siya natatakot, dahil mula bata pa siya ay sa QC na siya naninirahan. “Hindi ako nag-alala o natakot dahil alam ko namang wala akong nilabag na batas sa Quezon City,” ani Ai-Ai

“Bata pa lang ako, taga-Quezon City na ako at saka hindi naman lahat ng tao rito, hindi ako welcome.

“Hindi ako welcome sa mga taga-City Hall na nagpasa ng resolution na ideklara kami ni Direk Darryl na persona non grata. Pero yung mga tao sa Quezon City, welcome ako sa kanila,” pagpapatuloy pa nito.

Dagdag pa niya, “Sabi nga nung isang mommy na nakasalubong ko, ‘Naku, Ai-Ai, palagi kitang pinapanood sa TV tuwing hapon, pa-picture naman.’

“Na-touched nga ako dahil marami ang nagpa-picture na kasama ako.

“Dun sa isang restaurant, nag-video pa yung staff. Ang sabi nila, ‘Welcome back, Ma’am Ai-Ai!’ kaya hindi ko naramdamang persona non grata ako sa Quezon City.”