Ama ni Chito Miranda, Pumanaw na: “Bye Dad!!! Love you!!!”

Ama ni Chito Miranda, Pumanaw na: “Bye Dad!!! Love you!!!”

Nagluluksa ngayon ang singer-songwriter na si Alfonso Yanga Miranda Jr. o mas kilala bilang Chito Miranda dahil pumanaw na ang kanyang ama. Ito ay matapos kumpirmahin ng Parokya ni Edgar vocalist at Idol Philippines Judge sa kanyang instagram post nitong Agosto 12, 2022. Ani ni Chito sa kanyang instagram caption, “Bye Dad!!! Love you!!!”

“To all our family and friends, we decided to keep everything simple and intimate. Immediate family lang talaga. Hope you guys understand,” dagdag pa niya.

Hiling ni Chito na ipagdasal ang kanyang ama. Marami naman ang nag-abot ng kanilang pakikiramay tulad ng kapwa niya judge sa Idol Philippines na si Gary Valenciano, “Love you Chito I am so sorry to hear about this. I pray that God embraces you and keeps you close to His heart. My deepest condolences Chito”

Ani naman ng dating nobya ni Chito na si Kaye Abad, “Condolence Chits.”

Hindi naman nabanggit ng singer kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ama. Ngunit nabanggit nito na binawian ng buhay ang kanyang ama sa edad na 77.