Amang hindi na maigalaw ang kalahati ng katawan, itinataguyod ang pamilya bilang mekaniko


Ano pa bang hindi kayang gawin ng mga responsableng ama para sa kanyang pamilya? Lahat ng sakripisyo at pagmamahal ay ibinubuhos upang maitaguyod ang pamumuhay at maibigay ang maga pangangailangan ng mga anak. Kahit pa man tinatago ang katotohanang nahihirapan na minsan dahil sa hirap na pinagdadaanan, wala sa bokabularyo ang pagsuko.

Nagviral ang isang post ngayon tampok ang isang ama na paralisado ang katawan, hindi na niya nagagalaw ang kanyang pang-ibabang parte ng katawan. Ngunit, kahit pa man sa kanyang kalagayan hindi ito naging dahilan upang huminto siya sa buhay. Patuloy parin siyang nag tatrabaho bilang isang magiting na mekaniko upang maitaguyod ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

“If you think your life is difficult, please look back at his life to see how difficult it is! But he does not give up work and dreams. 👏 Do not despair as long as your breath is still ❤️”


Pinagmumulan siya ngayon ng inspirasyon at hinahangaan ng karamihan dahil sa angking kabutihan at kasipagan bilang isang magulang kahit pa sa pisikal nitong kalagayan ay buong-buo paring ginagampanan ang kanyang resposibilidad sa pamilya.