Amang Kargador proud na napatapos ang anak sa Kolehiyo


Sila “Papa ko, pulis” Papa ko Seaman, Papa ko Docktor papa ko teacher”
Ako: Papa ko Kargador at Proud ako na napagtapos ako ng tatay kong Kargador!

Pasan dito, Pasan dun lahat ng hirap na pinagdaanan ng mga magulang ko ang syang nag silbing inspirasyon para pagbutihin ko ang aking pag-aaral.

Ito ang mensahe ni Mailyn Akoy para sakanyang tatay totong na itinaguyod ang kanilang pamilya sa pagkakagargador

Sa warehouse na ito sa Takorong Sultan Kuldarat ang isang 49 anyos na kargador na si Tatay Totong pasan-pasan ang 50kilos

Saad ng amang si Tatay Totong “Mahirap pero tinitiis ko siya dahil kailangan”

Dag-dag pa ni Tatay Totong “Diyan ako nahihirapan sa pabubuhay halos P250 lang ang kinikita ko sa pag kakargador kaya’t nag sumasideline pa ako”

Kumikirot narin ang kanang hita ni Tatay Totong sa loob kasi ng 20 years ay ito na ang kanyang trabaho

“Kung minsan may mga oras na sumasakit talaga sya pero binabalewala kolang”
“Bata palang ako ito na ang pangarap ko ang makapag tapos ng pag-aaral at makatulong sa mga magulang ko.” -Mailyn