Amo, Nagrereklamo na sa kanyang Kasambahay, “Baka Mabura Na Ang Bahay Natin, Parang Awa Mo Na” !


Kinakaaliwan ngayon ng mga netizen ang Tiktok Video ni MJ Delfin, na nagrereklamo dahil sa kanyang kasambahay na ayaw tumigil kakalinis ng kanilang bahay.

Sinabi niya na mula kagabi pa raw niya itong nakikita na naglilinis, makikita sa video na mano manong nagpupunas ng sahig ang kanyang kasambahay na si Jane, gamit ang tela, timba na may tubig at sabon.

”Ano nanaman ginagawa mo Jane?kagabi ka pa! di ka na naimik, maawa ka sa bahay… hindi mo tinitigilan Aguy! kanina, kagabi, kahapon, di ka matapos tapos naku baka mamaya mabura na yung bahay natin, parang awa mo na” reklamo ni MJ sa kanyang kasambahay.

Maririnig rin sa background ng video, na nagrereklamo na pati ang mga bata sa sobrang paglilinis nito. pwede naman daw walisin ni Jane ang mga kalat bakit pinupunasan pa.

”May pasabon sabon ka pa bakit didilaan mo ba yan? aapakan ,ko lang din yan mamaya, nakakahiya naman, aapak ako ngayon dito ngayon,tapos habang nag aapak ako dito ngayon minumura mo ko sa isip mo dahil kalilinis mo lang. tigilan mo nga ko” dagdag pa nito.

Sinabi rin ni MJ sa iba pa niyang mga video, na napakasipag daw talaga ng kanyang kasambahay, hindi rin daw ito nagdi day off, gusto niya nga daw ito mag day off para makapagpahinga naman ang kanilang bahay.

Umabot na sa 4M Views ang video na ito at patuloy pang kinagigiliwan at naghahatid ng saya.

Napakaswerte na magkaroon ng mabait na amo, ganun din ang swerte kapag mabait, tapat at masipag ang mga kasama natin sa ating bahay. Kaya respetuhin at pahalagahan natin ang mga ito.