Anak Na Nagsisilbing Gabay Sa Pagtatrabaho Ng Kaniyang Ama Na May Kapans4nan Sa Paningin, Kinaantigan Ng Publiko

Anak Na Nagsisilbing Gabay Sa Pagtatrabaho Ng Kaniyang Ama Na May Kapans4nan Sa Paningin, Kinaantigan Ng Publiko

Walang kahit na sino ang makakapantay sa pagmamahal ng isang magulang para sa kaniyang anak. Kaakibat din ng pagiging isang magulang ang malaking responsibilidad. Hindi ito isang bagay o isang desisyon na kapag ayaw mo na ay ipagsasawalang bahala mo nalang o di kaya ay lulusutan.
Ang ating mga magulang ay ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya, maging sinasakripisyo na ang lahat at hindi iniinda ang hirap na pinagdadaanan mabigay lamang ang ating mga pangangailangan.

Kaya naman marami sa mga anak ang labis na nagpapasalamat sa kanilang mga mahal na mga magulang.



Katulad na lamang ng nakakaantig puso na kwento ng mag-ama na ito.

Naging viral sa social media ang kwento ni Nelson ‘Dodong’ Pepe, isang masipag na ama na hindi tumigil sa pagtatrabaho sa kabila ng kapansanan na iniinda.  Inihahatid si Mang Nelson ng kaniyang batang anak na babae na nagngangalang Jenny sa kaniyang pinagtatrabahuhan na niyugan araw-araw.

Gumagamit na lamang si Jenny ng kahoy para gabayan ang kaniyang ama sa paglalakad mula sa kanilang tahana patungo sa kaniyang trabaho dahil nga sa may kapansanan sa paningin ang kaniyang ama.


Si Jenny na din ang tumutulong sa kaniyang ama kapag ito ay kakain o kaya naman ay siya na ang mag-aabot ng tubig dito kapag nauuhaw. Hinihintay din ni Jenny ang kaniyang ama hanggang sa matapos ang trabaho nito dahil sila ay sabay uuwi ng kaniyang ama sa kanilang munting tahanan.

Ayon sa ilang panayam, araw-araw umano ay tinatayang nasa 60 na puno ang inaakyan ni Mang Nelson para kumita lamang ng P300. Sa kaniyang panayam sa ABS-CBN Network na kumalat naman sa social media, marami kaagad ang nagbigay ng tulong sa mag-ama. Marami ang nagbigay ng pinansyal na tulong sa pamilya, bag at payong naman para kay Jenny, habang nagbigay naman ng livelihood training ang ABS-CBN Foundationg para kay Mang Nelson upang ito ay hindi na umakyat ng puno ng niyog at para na din hindi na sila maglakad na mag-ama ng malayo upang makarating sa coconut farm. Ilan naman ay nangako na tutulong sa pag-aaral ng mga anak ni Mang Nelson.