Anak na Nagtapos ng Senior High School, Proud na Proud sa Kanyang Ama

Anak na Nagtapos ng Senior High School, Proud na Proud sa Kanyang Ama

Viral sa social media ang larawan ng mag-ama sa Misamis Oriental. Nagtapos ng Senior High School si Shaina Cabasa Ramirez at labis niyang pinasalamatan ang kanyang ama na nagtatrabaho bilang isang magsasaka. Hindi nakadala ang ama ni Shaina sa kanyang graduation ceremony dahil inuna umano nitong magtrabaho.

Narito ang kabuuang post ng Kami:

Isang bagong gradweyt na K12 student na taga Misamis Oriental ang agad na pumunta sa lugar ng trabaho ng kanyang ama matapos nyang makagraduate ng senior high. Hindi ikinakahiya ni Shaina Cabasa Ramirez ang kanyang ama kahit pa ito ay mahirap lamang. Kwento nya hindi nakadalo ang kanyang ama dahil inuna nito ang pagtatrabaho bilang magsasaka.

Hiling nya na sya ay matulungan na makakuha ng scholarship para sa kanyang kolehiyo upang matulungan ang kanyang magulang.

“PA, THANKFUL JAPON KO MASKI WAY HANDA IMPORTANTE BUHI..”_gi apas rako ni

PAPA: OH NAABUT MAN LAGI KA DIRE

AKO: PA, DILI NAKO IKAULAW NGA DINHI TA NABUHI.”