Anak na naka Asawa ng Foreigner, Pinalayas ang Ina sa Sariling Bahay at Lupa at Nagbanta pa sa Kapatid na Papalayasin din.

Anak na naka Asawa ng Foreigner, Pinalayas ang Ina sa Sariling Bahay at Lupa at Nagbanta pa sa Kapatid na Papalayasin din.

Wala namang hinihinging kapalit ang mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, kundi ang makapiling lamang ang mga ito hanggang sa kanilang paglisan sa mundo.

Normal lang naman sa mga-ina at kapamilya ang magkaroon ng pagtatampo at di pagkakaunawaan, pero sa huli mananaig pa rin ang pagmamahalan nila sa bawat isa.

Kaya nakakasakit sa dibdib kapag may nababasa tayong mga pangyayari kung saan ay hindi maganda ang pagtrato ng mga anak sa kanilang mga magulang.

Katulad na lamang po sa kwento ni lola, naging kaawa-awa si lola na nasa  84 taong gulang matapos palayasin ng kaniyang anak sa sarili niyang bahay at lupa dahil pinatituluhan nila ito ng kaniyang asawang foreigner ng wala man lang paalam!

Higit pa doon, pinaalis ito kahit pa alam nilang mayroon itong karamdaman.

Ito ay ipinost ng isa pang anak ni nanay na si Dana Bautista upang manghingi ng tulong sa iba kung paano masosolusyonan ang problemang pampamilya.

Ayon sa kaniya, kasalukuyang nakatira ang kanilang nanay sa kaniyang tinitirahan ngayon dahil na nga sa kagagawan ng kaniyang kapatid at asawang dayuhan.

Hindi pa nakuntento ang mag- asawa sa ari- arian ng kaniyang ina bagkus ay pinagbantaan din si Dana na sila ay idedemanda kung hindi sila umalis sa sarili niya ding bahay.

Narito ang kaniyang post:

“Humihingi po kami Ng tulong, Ito Ang aking nanay, 84 years old na siya at may karamdaman. Dito siya sakin nakatira ngayon dahil pinalayas siya Ng aking kapatid na may asawang foreigner sa sarili Niyang bahay at lupa.

Pati itong kinatitirikan namin ay kinukuha parin at pinapalayas kami. Pinatituluhan Niya ang lupa Ng aking nanay Ng walang pahintulot Ng aking nanay, at ngayon pilit kaming pinapalayas ng sarili Kong kapatid. Kami po ay idedemanda pa pag Hindi kami umalis. Tulungan niyo po kami, ano po ang dapat naming gawin.”