Anak ng magsasaka, ganap na Doktor ngayon “Thank you for your love and sacrifices”

Anak ng magsasaka, ganap na Doktor ngayon “Thank you for your love and sacrifices”

Ito ang pinanghahawakan ng isang pursigido at puno ng determinasyon na Anak sa kanyang paglalakbay at hindi pagsuko sa kahit ano pang hirap ng buhay upang tuluyang masungkit at mapagtagumpayan ang minimithing pangarap, hindi lang para sa sarili ngunit pagbibigay pugay at tagumpay sa lahat ng sakripisyo at suporta mula sa kanyang mga magulang.

Isang tunay na inspirasyon ang naging kwento ng buhay ni Arenz Jade C. Docdocil, pinatunayan niyang hindi isang sukatan ang kahit ano pang estado ng buhay upang gawing posible ang mga bagay na sa tingin mo’y mahirap abutin.


Aminado man si Docdocil na nag-aalangan rin sa umpisa ang kanyang mga mga magulang sa plano niyang mag-aral ng medisina dahil sa hindi biro ang mga maaring gagastusin para dito at baka hindi nila makayanang tustusan ang mga pangangailangan dahil ang tanging inaasahan lamang nila na hanapbuhay ay pinagkakakitaan ay ang pagsasaka.

Ganunpaman, ipinagpatuloy niya pa rin ito sa tulong ng kakaunting kita ng kanyang mga magulang sa pagsasaka at ang kanyang natatanggap na tulong pinansyal bilang isang iskolar sa pinapasukang Unibersidad.


Lubos niyang ipanagpapasalamat sa lahat ang walang humpay na suporta at pagmamahal ng kanyang mga magulang at pamilya na naging tulay niya upang magtagumpay ay ngayo’y ganap ng isang Doktor.