Anak ni Ka Tunying na si Zoey, Cancer free na ngayon!

Anak ni Ka Tunying na si Zoey, Cancer free na ngayon!

Nito nga lamang isang masayang balita ang hinayag sa publiko ng beteranong mamahayag na si Anthony Taberna.

Ito’y matapos niyang i-anunsiyo na tuluyan ng gumaling ang anak nitong si Zoey at nakalaya na  ito sa Cancer.

Ang anunsiyo namang ito ni Anthony Taberna o mas kilala sa tawag na Ka Tunying. Ay makikita sa  Instagram account nito.

Maaninag naman sa instgram post ni Ka Tunying na labis ang kaligayahan nito, sa pag galing ng 13 years old daughter niya mula sa Leukemia.

Ani nito sa post niya, ”Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng kasama namin sa pananalangin. Nakauwi na kami kasama si Zoey pagkalipas ang halos kalahating taon sa Singapore. Salamat higit sa lahat sa Panginoong Diyos,” caption ni Ka Tunying sa post kalakip ang video clip ng anak.- Ka Tunying

Maalala naman na nitong taong 2019 unang binalita ni Ka Tunying ang kondisyon ng anak nitong si Zoey.

Ng taong ding ito ay dali naman itong ginamot at sumailalim agad sa chemotherapy na nilabanan naman ng anak nilang si Zoey.

Dahil nga sa paglaban nito at sa pag aalaga na binigay ni Ka Tunying. Ay tuluyan na ngang nakalaya ito sa Cancer na may taon na din nitong nilalabanan.

Pag ku-kwento naman ni Zoey,  sa post nito sa Instagram ay hindi naging madali ang laban nito sa Cancer.

Sa post ding ito ng bata nagpasalamat siya sa mga taong nag dasal para sakanyang kagalingan!