Anak, Sinurpresa Ang Ina sa Kanyang Pag-uwi Bitbit ang Medal at Graduation Picture!

Anak, Sinurpresa Ang Ina sa Kanyang Pag-uwi Bitbit ang Medal at Graduation Picture!

Nag viral sa Tiktok ang isang nagtapos ng Criminology kung saan ay sinurpresa nya ang kanyang ina sa kanyang pag uwi na may dalang medalya at larawan na sya ay nakapagtapos na.

Kwento ni Christian, “Noong panahon na yun ay nag decision ako na i surprised ko ang mother ko kasi minsan lang kami nag kikita at hindi nya alam na ga gradute na ako kaya sinuotan ko sya ng medal at dinala ko na rin yung frame ko para maniwala sya, kaya ayun sobrang natuwa sya sa nakita niya”.

Matagal din na panahon nagkahiwalay sila dahil kinailangan ni Christian mag part time waiter upang sya ay makatapos, alay nya ang kanyang pagtatapos sa kanyang ina na taga Zamboanga.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

“Congratulations to you and to your proud parents. Nawa’y maging mabuti kang alagad ng batas. Tuparin mo ang sinumpaan mong tungkulin, huwag papanig sa tiwali at ma impluwensiyang mamamayan. Dapat ipatupad ang batas ng patas at walang itatangi, mayaman o mahirap.”

“Sana lahat ng anak marunong mag appreciate ng effort ng magulang un iba nakatapos lng sasabihin walang ambag kng naka tapos man sila congratulations sayo malayo mararating mo sa buhay.Dahil ang taong me pagmamahal sa magulang pinagpapala ni God kahit anong bagay”

“Sana lahat ng kabataan ay matutong mgpahalaga sa pagsasakripisyo at pagmamahal sa kanilang mga magulang… God bless you kuya”

“Congratulations kahit wala sa katinuan si mama mo dama niya ang ngiting tagumpay!God bless at sa pagiging mabuting anak mo naway tularan ka ng ibang kabataan.”