Tila musika para sa mga magulang ang unang tinig ng kanilang mga anghel.Pero sa mag-asawang Rogelio at rosenda nanatili parin itong isang pangarap para sa kanilang apat na buwang bunso na si baby jessa
Sa pagsikat palang ng araw ay nakatutok na sa pag-aasikaso ang mga magulang ng bata.
“Kapag kinakausap siya ngi-ngiti, tatawa humahalakhak siya pag tumatawa”
Sa panayam ni Mariz Umali sa mag-asawa ay naibahagi nila ang kanilang kwento at buhay sa kanilang pag-aala sa kanilang bunsong anak na si Jessa
Sa kabila ng kalagayan ng kanilang anak ay hindi naging madali ang pag-aalaga sa kanilang bunso
“Ano ang naging reaksyon ninyong mag-asawa ng makita ninyo ang ganitong kondisyon ng anak ninyo”-Mariz Umali
“Siempre hindi matanggap ng misis ko pero ano magagawa ganito ang nangyari kailangang tanggapin”-Rogelio
Palaisipan para sa mag-asawa ang kondisyon ng kanilang anak hinala ng mag-asawa nagsimula ang kondisyon ng kanilang anak
Noon pinagbubuntis palamang ito ay may pinaglihian umano itong dila ng baboy at palagi umano niya itong hinahanap-hanap sa tuwing kakain.
“Meron kasi ditong nag-iihaw kada linggo umoorder siya ng baboy, atay at saka dila”- saad pa ng mister
Ngayon apat na buwan na si Baby Jessa, dama naraw nila ang hirap ng kanilang anak sa tuwing pinapainom ito ng gatas.