Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Ang masaya sanang kasal ni Angela Cortez Durias ng Santiago City ay napalitan ng sobrang kalungkutan matapos mamatay ang kanyang magiging mister sana na si James Edem dahil sa sakit niyang asthma.

Sa naging panayam ng isang radio station inihayag ni Angela Cortez Durias ng Santiago City na hindi niya inasahan na magviral ang madamdamin niyang pamamaalam sa libing ng kanyang groom .

Sinabi ni Angela na noong umaga August 25, 2021 ay nakabihis na sila ng kanyang magiging mister upang magbigay ng sampong wedding invitation nang biglang nahirapan sa paghinga dahil sinumpong kanyang Asthma.

Araw ng kasal, naging araw ng libing ng groom na namatay sa hika ▷ Philippines news | KAMI.COM.PH

Kaagad niyang itinakbo ang mister sa pagamutan ngunit hindi sila tinanggap sa ospital dahil sa pandemya at namatay habang hawak hawak nya ang kanyang magiging mister.

Anya naging magkasintahan sila ni James noong 2016 at noong mabuntis siya ay nagpasya ang kanilang pamilya ipakasal noong 2017 ngunit ipinagpaliban dahil hindi makakauwi ang kanyang ina ni Angela na nasa ibang bansa.

2018 ay muling itinakda ang kanilang kasal ni James ngunit ipinagpaliban dahil di na naman nakauwi ang kanyang ina.

Lalaki nasawi sa hika, araw ng kasal naging libing | ABS-CBN News

Noong Enero, 2020 ay napagkasunduan na nilang ikakasal na sa July 17, 2020 ngunit dahil sa naglockdown ng matagal ay kinansela muli nila ang kasal.

Nagpasya anya sila ni James na sumailalim na sa civil wedding noong August 2021 ngunit palaging hindi natutuloy hanggang sa magpasya na sila na September 2, 2021 na ang kanilang kasal at naayos na lahat lahat ang kanilang civil wedding ngunit inatake sa asthma ang lalaki na nagsanhi ng kanyang kamatayan.

Araw ng kasal pero naging araw ng libing ng groom,nagviral sa social media - Bombo Radyo Cauayan

Sinabi ni Angela na hindi sinasadya na sa mismong araw ng kasal ang itinakdang libing ng kanyang mapapangasawa dahil tinapos lamang niya ang siyam na araw na burol.