Arron Villaflor, wala paring muang kung bakit tinanggal ng walang dahilan sa FPJ’s Ang Probinsyano!


Nawala man sa serye, di naman nawalan ng nawalan ng pag-asa si Arron Villaflor na muling makakabalik sa teleserye.

Ang story conference ng bago niyang proyekto na ‘Wag Mong Agawin ang Akin kahapon. Boluntaryong inilahad ng aktor ang nangyari sa kanya sa longest running teleserye sa Kapamilya, ‘Ang Probinsyano’.

Ayon kay Arron, ito ang huli niyang teleserye, dalawang taon na ang nakakalipas.

“Hindi ko nga alam kung bakit ako nawala sa Ang Probinsyano. That was my last series sa ABS-CBN so I waited for two years.

“Dalawang taon na rin po akong hindi nakakabalik sa series kaya I’m glad and thankful, may panibagong blessing.

Naitanong naman sa 31-years-old na aktor kung ano ang dahilan ng kanyang pagkawala sa Probinsyano, sinabi nito na hindi niya alam.

“Hindi ko rin alam, e. H!ndi ko rin alam kung bakit nawala kami.

“Hindi naman ako humihingi ng reason, pero nagulat lang kami kung bakit kami nawala.

Ayon sa kanya, mahal niya ang kanyang trabaho mula noong nagsisimula pa lamang siya nung 2004.

“Siguro may mga bagay talaga na natatapos din. I guess, I’m very thankful din kasi we’ve been part of that program for a year…”

Tatlong taon din pala ang itinagal niya sa Ang Probinsyano, at malaki ang pasasalamat niya sa programa dahil sa opportunity na ito.

Gayunpaman, ayon kay Arron, sadyang may hangganan ang lahat.