Aso, Inabandona ng Kanyang Amo dahil sa Mama nito


Naantig ang puso ng mga netizen sa ibinahaging post sa Twitter ng uploader na si @stubbornicole, dahil sa inabandonang alagang aso sa Mandaluyong.

Ayon kay Nichole, ay mayroon siyang natagpuang aso malapit sa Mandaluyong City Hall, mayroong nakakabit na sulat sa aso na galing sa kanyang amo, ayon sa sulat ay kung sino man ang makabasa nito ay sana raw maalagaan ng mabuti ang kaniyang alagang aso, nagawa raw niya itong iwan dahil sa nagagalit ang kanyang Nanay. At ang pangalan daw ng aso ay “Panda”.



“Kuya, ate, sa sinoman na makabasa nito, sana po alagaan nyo po ng maayos ang aso ko. Kaya po nagawa ko ito dahil lagi nagagalit si mama sa kanya hindi ko man kagustuhan. Sorry Panda. Panda po name nya.”



Dinala ni Nichole ang asong si Panda sa Philippine Pet Birth Control Foundation sa Mandaluyong upang pansamantalang maalagaan.


“Hello! I found an abandoned dog near Mandaluyong City Hall. Here are some of her photos, along with the note attached to her leash. If you’d like to adopt her, I brought her to Philippine Pet Birth Control Center Foundation in Boni Ave.,” post ni @stubbornicole sa kanyang Twitter.