Aso inihulog ng kanyang amo mula sa 4 na palapag mula sa nasusunog nilang bahay

Aso inihulog ng kanyang amo mula sa 4 na palapag mula sa nasusunog nilang bahay

Nagulat ang maraming netizen sa ginawang pagkahulog ng isang aso mula sa ika-apat na palapag ng isang gusali ito’y matapos ipatihulog ng sariling amo ang kanyang alagang aso mula sa nasusunog nilang tahanan.


Bago paman binatawan ng amo ang kanyang alagang aso tila kinakausap muna niya ito na para ito sa kaligtasan niya at maging ligtas dahil lubhang lumalakas na ang apoy.


Bagaman dumating na ang mga bombero para iligtas ang mga naipit sa sunog ay lubhang mapanganib naman para sa mga alagang hayop ang makalanghap ng maitim na usok mula sa mga natutupok na kagamitan kung kaya’t walang nagawa ang amo kung’di ipatihulog ang alaga mula sa mataas na palapag.


Sa tagpong iyon ay umantig sa puso ng maraming netizen ang ginawang ito ng amo sa kanyang alagang aso, sa halip na tumakbo palayo ang aso mula sa pagkakahulog nito ay bumalik ito hila-hila ang ilang rescuer upang mailigtas ang amo mula sa mataas na bahagi ng gusali


Naging gabay ang aso patungo sa kinalalagyan ng kanyang amo sa bandang huli ay hindi siya inawan ng kanyang alaga kahit na nailigtas ang amo nito mula sa tiyak na kapahamakan