Aso pinagtripan ng ilang mga kabataan; ‘Huli na nang makita ko ang aso wala nang buhay’ – Netizen

Aso pinagtripan ng ilang mga kabataan; ‘Huli na nang makita ko ang aso wala nang buhay’ – Netizen

Ikinagalit ng ilang netizens ang ginawa sa isang aso sa Virac, Catanduanes Itinali di-umano ito sa isang pader gamit ang isang alambre.

Ayon sa nakakita na si Jhon Lander, 12:30 ng tanghali ngayong araw ng makita niya ang aso na ganoon ang sitwasyon sa daan papasok ng BIR, Brgy. SIV, Virac, Catanduanes. Sinubukan niya sanang tanggalin ang alambre ngunit masiyado umanong agresibo ang kasama nitong aso.

Wala na umano itong buhay ng kaniyang makita, binalikan niya naman ito 1:30 ng hapon ngunit wala na umano ito sa lugar.Ayon naman sa post ng LGU Virac, kanila itong paiimbestigahan, upang matukoy ang may gawa sa nasabing alagang hayop.

Ayon naman sa ilang residente na malapit na lugar, ay asong gala ang mga ito hindi rin matukoy kung sino ang nag mamay-ari sa mga alagang aso makikita din na malusog at malinis ang mga aso at tiyak ng ilang residente na mayroong nagmamay-ari sa lugar nito.
May nakakita rin na ilang mga kabataan ang dumaan sa lugar bago mangyari ang insidente patuloy namang tinitignan ang anggulo ng pinangyarihan, sa ganitong pangyayari may payo naman ang ilang mga dog lover

“May buhay din ang mga hayup please po wag po ninyo gawin ang mga ganitong bagay nakakaawa pong tignan may damdamin din ang mga hayup”