Babaeng gustong i-achieve ang ‘Kilay is Life’, naging 4 ang kilay matapos pumalpak pagpapa-tattoo

Babaeng gustong i-achieve ang ‘Kilay is Life’, naging 4 ang kilay matapos pumalpak pagpapa-tattoo

“Kilay is life” Ito halos ang gusto ng karamihan sa mga kababaihan at maging ng mga sangkabekihan ang magandang korte, at permenenteng hugis ng kanilang kilay.

Kaya ang iba, imbes na mano-mano sa paguhit at paglalagay nito ay mas pinipili ang magkaron ng permanenteng kilay sa pamamagitan ng pagpapatattoo.


Sulputan ang napakaraming mga aesthetic salon para sa mga nagnanais magpa-enhance ng kanilang mga pang pisikal na itsura, lalo na sa pagpapaganda ng parte ng katangian ng kanilang mukha. Gaganda ka, ngunit kailangan din ng magandang laman ng bulsa sa presyo ng proseso.

Kung sakto lang ang budget, marami din namang mga nag-ooffer ng murang singil kapalit ang ninanais na kilay, mura na, permanente pa. Ngunit sa mura, baka mapapamura ka sa maging resulta.


Katulad nalang ng isang babae mula sa bansang Thailand na si Niprapon Meeking, 31-anyos na naghahangad magkaron ng kaakit-akit at magandang eyebrow, ay pinatos na ang murang alok para sa halagang 1,500 Baht o katumbas ng P2,300.

Hangad sana niyang gumanda ang kilay, kaya siya sumailalim sa ‘eyebrow tattoo procedure’ sa isang maliit na beauty clinic sa Rayong province, eastern Thailand.


“I remember planning a trip with my friends and wanting new eyebrows to look pretty. A friend suggested a shop for me,”
Gayunpaman, sa halip na ikatuwa at ikaganda niya ang resulta, labis siyang nadismaya at nagulat dahil tila nadagdagan ang kanyang kilay matapos itong iguhit ng tattoo artist sa itaas na parte ng kanyang orihinal na kilay.


“After the procedure, I looked in the mirror and was speechless,” saad ni dalaga sa isang panayam.

Dagdag pa ni Meeking, bukod sa mura ang presyo sa mga aesthetic procedures, nirekomenda rin umano ang beauty clinic na ito ng isang kaibigan kaya rin nagtiwala siya na dito na magpapa-tattoo ng kilay.

Agad niya naman daw itong inireklamo sa tauhan ng clinic at pinangakuan siyang aayusin ang kanyang kilay ng

libre.
Ngunit pagkabalik niya sa sumunod na araw, sarado na ang naturang klinika at hindi na kailanman ito nagbukas pa. Kaya nagtiis si Meeking na may apat na siyang kilay.

Sinubukan din niyang lumapit sa ibang mga tattoo artist na gumagawa ng parehong serbisyo upang maipaayos ito pero tinaggihan siya ng mga ito dahil hindi na nila kaya pa itong gawan ng paraan.


Nagtrending online ang kapalpakang nangyari kay Meeking, hanggang umabot ito sa isang tattoo artist mula Bangkok na si Pattawee Phumkasem at nag-alok na ayusin ang sinapit ng kanyang kilay upang manumbalik ang kanyang kumpiyansa sa sarili.

“I had a terrible time living with four eyebrows on my forehead, but luckily I found this new tattoo artist. With this new artist, I can finally live a normal life,”