Babaeng Tinaguriang ‘Girl Bestfriend’ at ‘Nag-astang Asawa’ sa Groom, Nagsalita Na!

Babaeng Tinaguriang ‘Girl Bestfriend’ at ‘Nag-astang Asawa’ sa Groom, Nagsalita Na!

Nagsalita na si Shaira Mae Boyonas, ang bababeng tinaguriang “girl bestfriend” at umanong umaastang asawa sa groom at foreigner na si Ales Vodisek. Ekslusibong inihayag ni Shaira ang kanyang panig laban sa akusasyon sa kanya ni Jorryme Vodisek, asawa ni Ales, na sinira umano nito ang “dream wedding” niya at siya ang naging rason ng hiwalayan ng mag-asawa.


Ani Shaira, bilang matalik na kaibigan ni Ales, ang ginawa umano niya sa kasal nina Ales a Jorryme ay dahil sa utos ng photographer. “Ako bilang isang kaibigan, ginawa ko lang yung part ko, gaya noong kasal nila at yung mga pictures na nakikita niyo na mas sweet pa kami, ‘yun ‘yung utos sakin ng photographer, yun lang naman ginawa namin wala nang iba.”

Pakiusap ni Shair na huwag idamay ng publiko ang anak niya sa isyu. Maaaring husgahan na siya ng iba pero huwag lamang ang anak niya na maliit pa. Giit pa niya na huwag naman sana daw maging bias ang iba at matututong pakinggan din ang kanyang panig.


“Dahil may iba’t-iba tayong opinyon, may sarili kayong Facebook account at mayroon din ako. Mayroon kayong privacy at kahit anong gusto niyong gawin pero sana makinig kayo both side hindi lang sa isa dahil kahit ang Diyos ay alam na ginawa ko ang lahat sa simula pa lang,” pahayag ni Shaira.

Matatandaan na sa isang Facebook post, ibinahagi ni Jorryme ang umano’y kakaibang pagkilos at pakikitungo ni Shaira kay Ales.

Ibinahagi pa ni Jorryme na sa kinagabihan pagkatapos ng kanilang kasal na dapat ay honeymoon ang gagawin nilang mag-asawa ay si Shaira pa ang inasikaso ni afam dahil nagpapa-comfort umano ito.

“Naging girl bestfriend din naman ako pero never po akong umastang asawa,” ani Jorryme.

“Dream wedding nga nahimong worst nightmare (Dream wedding na naging worst nightmare),” dagdag pa nito.

Dahil dito, sinabi ni Jorryme na siya na lamang ang didistasya.


“Hi dzaii SHAIRA MAE BOYONAS since blinock mo na ako, dito tayo mag-usap. Wala na akong pakiaalam kung hanggang saan tayo umabot, i will fight for my right. Pero ngayon, hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin, mamamatay ako nang maaga kung hindi ko maipalabas ang nararamdaman ko,” ani Jorryme sa isang post na naglalaman ng screenshots ng usapan nila ni Shaira.

“Bakit ganyan kayo ka-walang puso? Hanggang kailang ako mag-aadjust para sa inyong dalawa? ‘Di ba nag-usap na tayo na dumistansya ka na sa kanya? NAG-USAP NA TAYO ‘DI BA? ANONG GINAWA MO, AKO LANG YUNG BLINOCK MO PARA ‘DI NA KITA MAISTORBO. Baliktad na pala ang mundo ngayon? Ang asawa na mismo ang mag-adjust sa BESTFRIEND? Wala na akong pakialam kung mapapahiya tayong lahat. GUSTO MO PALANG SUMIKAT, TUTULUNGAN KO KAYO PARA MAS MADALI. SAYO NA YANG ASAWA KO KUNG GUSTO MO. Magsama kayo dalawa, parehas naman kayo ng utak,” mahabang rant ni Jorryme.

Sa isang Facebook post naman ni Ales, pinabulaan nito ang sinabi ni Jorryme at sinabi na kasinungalingan lamang ang mga ito.

“This is to clarify to the issue about us. Only one thing i will say. I did not distance myself from jorryme because of Shaira. I distance myself because of other reasons. Everything on Facebook what jorryme is posting is all lies,” ani Ales.

Samantala, hinihikayat din ni Shaira na itigil na ang pagpo-post ng memes at videos dahil hindi naman ito totoo at itigil na raw ang sinumang gumagawa ng kanyang dummy account dahil wala raw umano siyang nabanggit na mga masamang salita dahil hindi raw umano sya iskandalosang tao.