Bagong P1000 Pesos Bill, Hindi Tinanggap Sa Isang Mall Kasi Daw Naka Fold, “Maselan Daw Kase”

Bagong P1000 Pesos Bill, Hindi Tinanggap Sa Isang Mall Kasi Daw Naka Fold, “Maselan Daw Kase”

Hindi aakalain ng isang netizen na hindi tatanggapin ang kanyang bagong P1000 pesos bill dahil lamang ito’y naka fold. Sa kanyang ibinahaging video sa kanyang tiktok account @titacristel ay kanyang sinubukan kung totoo ngang hindi tinatanggap ng mga Mall ang bagong P1000 pesos bill kung ito’y naka fold.


Sa video makikita na hawak niya ang bagong P1000 pesos bill na nakafold. Kanya ring sinabi “Nandito ako ngayon sa mall tignan nating kung tatanggapin na ibabayad kasi diba bawal yung may tupi eh pinalitan ko lang din to galing sa botika tignan natin kung tatanggapin”

At nang lumapit na nga ang netizen sa counter upang ipambayad ito ay agad na sinabi ng kahera na hindi nila ito maaring tanggapin dahil umano ay medyo maselan ang bagong P1000 pesos bill.


“Ma’am may ibang 1000 kayo? medyo maselan kasi yung bagong P1000 pesos bill”-kahera

Dahil dito ay walang nagawa ang netizen kung’di muling tanggapin ang ibinayad na pera. at palitan nalamang ng ibang iba upang ipambayad. dismayado ang netizen dahil sa inaakalang tatanggapin ito alinsunod narin sa inilabas na ulat ng mall na maaring tanggapin ang bagong P1000 pesos bill kahit na ito’y naka fold.


Dismayado rin ang maraming nakapanuod nito sa tiktok dahil at agad na nag viral. saad tuloy ng maraming kababayan “Sa mga nagsabing kailangan talaga mahaba na wallet gamitin, pwede po gamitin ang bifold wallet as long as flat pa rin sya at walang ibang tupi na magsanhi ng permanenteng pagkakasira.”