Bagong Silang na Sånggol, May Kumpol na Puting Buhok!


Isang bagong silang na sangg0l sa Bulacan ang isinilang na may kumpol na puting buhok. Kuwento ng ina na si Lilibeth, nitong bagong taon lamang umano niya ipinanganak ang kanyang anak. Laking gulat na lamang niya na makita ang anak na mayroon kumol na puting buhok sa harap nito. Sa limang anak ni Lilibeth ay tanging itong sanggol lamang ang naiiiba.


Paniniwala niya, may dala umanong swerte sa kanilang pamilya. Mayroon din umanong nagsabi sa kanilang na ang puting buhok ng kanyang anak ay ‘tala’.


“Bagong Taon po ako nanganak. Nung nakita ko po si baby, nagulat po ako! May kumpol kasi siya na puting buhok sa harap! Sa limang anak ko, siya lang yung ipinanganak ko na may puti sa buhok. Ang sinasabi ng iba, suwerte raw iyon! May nakapagsabi sa amin yung puting buhok daw po ng anak ko, ‘tala’ Siya raw ang magbibigay sa amin ng suwerte na makakaangat sa buhay namin!”