Banyagang Amo, Pinagsisilbihan sa Hapagkainan ang Pinay OFW at Sumasabay sa Kanilang Pagkain, Maraming Netizen ang Napa Sana-all sa Kabaitan Nito.


Hindi isang biro ang pagtatrabaho abroad bilang isang Overseas Filipino Worker (OFW), isa itong malaking sakripisyo para sa kanila na iwan ang pamilya kapalit ang pag-asang aahon sila sa kahirapan.

Subalit, hindi lahat ay siniswerte sa amo pagdating sa ibang bansa, marami ng napabalita na mga kababayan nating m1naltrato ng kanilang mga employer at malala pa ay uuwi na silang malamig na nasa kahon.

Napaka swerte mo naman kapag nakatagpo ka ng among ituturing kang pamilya, ika nga kung may pangit, may maganda, kung may maitim mayroong maputi kaya kapag may masama mayroon ding mababait na amo.

Isang halimbawa na nga ang kababayan nating ito kung saan naging viral kamakailan lamang sa social media ang isang TikTok video at mapapanood ang isang banyagang employer na pinagsisilbihan ang kanyang Pinay kasambahay.

Dahil sa good vibes na hatid ng nasabing video na inupload ng TikTok user na si @hamad66677, kaya naman ini-repost ito ng isang netizen na isa ring OFW sa Saudi na si Ashlyn Guiapar Mato sa kanyang Facebok account.

Sa caption ay nagpasalamat si Ashlyn dahil mabait din umano ang kanyang amo sa kanya tulad ng lalaking amo na mapapanood sa video. caption ni Ashlyn sa kanyang post.

Base naman sa mga komento ng ilang netizens, vlogger at chef umano ang lalaking mapapanood sa video na pinagsisilbihan sa hapag-kainan ang kanyang kasambahay.

Kung dadalawin naman ang TikTok account ng nasabing user, makikitang marami pa itong video na inupload kung saan ay mapapanood na pinagsasandok niya ng pagkain ang kanyang kasambahay maliban sa kanyang anak.

Dahil sa ipinakitang kabaitan ng employer sa kanyang kasambahay kaya naman umani ito ng maraming paghanga sa mga netizen.