Basahan na tinitinda ng isang estudyante, nagpaantig sa mga netizen matapos gawin niya itong pamasahe tuwing papasok sa eskwelahan

Basahan na tinitinda ng isang estudyante, nagpaantig sa mga netizen matapos gawin niya itong pamasahe tuwing papasok sa eskwelahan

Pasukan na naman, maraming estudyante ang handa ng pumasok sa paaralan at dagsana ang mga bata sa lansangan. Umpisa na rin ng traffic sa mga kalsada dahil sa kumpolan na rin ang mga pampublikong sasakyan.


Diyan na rin natin makikita ang ilang mga estudyante na nagsisikap makapag-aral kahit na salat ang buhay. Alam naman natin na hindi lahat ay may marangyang pamumuhay, kaya halos maaantig ka rin sa ibang mga kabataan pilit naghahanap buhay makapasok lang sa paaralan.


Alam naman natin sa panahon ngayon marami sa ating kabataan ang hindi na masyadong pinapahalagahan ang edukasyon, marahil sa hirap ng buhay at pandemya naranasan na siyang lalo nagpahirap sa karamihan. Kaya naman kung makakakita ka ng estudyanteng pinagsisikapan ang pag-aaral kahit salat sa buhay ay tunay ang kirot sa puso.


Tulad ng pangyayaring ito na naipost sa social media ng isang pasahero, isang estudyante sa jeep ang kinaantigan ng mga netizen dahil sa pagsisikap nitong makapasok sa paaralan. Gamit ang kanyang panindang basahan upang maging pamasahe nito pagpasok, pumayag naman ang driver ng jeep at tila binili pa ang ilan sa mga paninda ng batang estudyante.


Narito ang buong post; Share ko lang po yung karanasan ko kanina
So, kanina late na po ako and traffic pa.
At nung nasa bandang LA FORTEZA na po kami
Biglang may isang studyante babae na may dala’dalang basahan ang sumakay na kumuha ng aking atensiyon.

SIYA: Manong! Mag kano po yung pamasahe
Hanggang libis po? (Mahinang pagkakasabi)
DRIVER: otso
SIYA: pwde po bang basahan nalang?
DRIVER: * tumango *
MANONG: aysige ako na * sabay kuha ng pera sa bulsa*
SIYA: ay, salamat po!
DRIVER: aysige wag na..
SIYA: salamat po!!
MANONG: magkano ba yang basahan?
SIYA: sampo lang po.
SIYA: wala po akong panukli
MANONG: sige iha, sayo na yan wag mo na suklian
SIYA: salamat po!
BABAE: magkano yan ineng?
SIYA: sampo po.
BABAE: oh! Ito *binigay ang bente* sayo nayan.
~ Pagkatapos ay kinausap po siya ni manang na katabi niya po. Sabi niya nag- aaral daw po siya saTala High. at ang kaniyang mga magulang ay nag titinda lang din po ng basahan.
So, ayun nakakaiyak na nakakatuwa lang po
na di siya huminto sa pag aaral kundi pinag sasabay niya ang pag aaral habang nag titinda ng basahan. Eh yung iba nga saatin ay pa chill chill lang at sagana pero nagagawa paring mag cutting classes at yung iba pa diyan tinatamad pumasok. Sana gayahain natin si ate gurl and sana maging insirasyon siya sating mga studyante.


diko pinost ito para sa LIKES. Pinost ko ito para naman maging isang inpirasyon sa mga estudyanteng katulad ko at para nadin matulungan si ate gurl. Sana hipuin ang inyong mga puso at matulungan si ate kahit pang baon lang or gamit sa school


So, Hello ate gurl ingat ka parati kung sino ka man po. Pagpatuloy mo lang yan, aral ka pong mabuti ikaw din aani ng pag sisikap mo para sa future. GOD BLESS!! {via}