Dahil sa dulo’t ng ραи∂ємтα ay maraming kabataan ang pinipilit mairaos ang kanilang pag-aaral sa makabagong patakaran ng mga paaralan, kung tawagin ay “new normal” bagama’t may mga kabataang hindi kayang makasabay sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo gamit ang mga gadgets ay may mga bata namang tanging sa module nalamang inaasa ang kanilang pag-aaral at pagsusumikap.

Ngunit masakit isipin na may makikita kang ganitong mga kabataan sa kabila ng kanilang sitwasyon at katayuan sa buhay ay mas pinipili nilang abutin ang kanilang pangarap.

Katulad nalamang ng isang bata sa Tarlac City. isang netizen ang kumuha ng larawan at ibinahagi ito sa social media na kung saan nakita nitong nakatulog na ang bata habang gumagawa ng kaniyang module kwento ng netizen sa kaniyang social media post “galing sya sa isang hardware sa Rizal Street, Tarlac City at papunta na sana sa parking lot kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan nang may mapansin syang bata na nakahiga katabi ng isang tribike na may lamang bakal-bote.

Makikita sa larawan na natutulog ang bata habang katabi ang kanyang mga module. Ayon pa kay Niko, madalas daw nyang nakikita ang bata sa tuwing dumadaan sya sa lugar.

Hindi na rin ginising ni Niko ang bata dahil baka raw pagod at mahimbing sa pagkakatulog ang bata.

Nabilib din si Niko sa bata dahil sa kabila ng kalagayan nya bilang mangangalakal ay napagsasabay nya ang kanyang pag-aaral..