Batang Babae, May Malagong Buhok sa Mukha Hanggang Katawan, Tinawag na “Miracle Baby”

Batang Babae, May Malagong Buhok sa Mukha Hanggang Katawan, Tinawag na “Miracle Baby”

Viral ang larawan ng isang batang babae dahil sa kakaiba nitong itsura. Puno ng buhok ang kanyang katawwan at maging ang kanyang mukha ay nababalot ng makapal na buhok. Siya ay si Baby Missclyn, tinatawag siyang “Miracle Baby” dahil bihira lamang ang ganitong kundisyon. Ayon sa ulat, mayroong hypertrichosis o werewolf syndrome si Missclyn.

Ang kundisyon na ito ay ang pagkakaroon ng labis na pagtubo o pagdami ng buhok sa buong parte ng katawan ng tao. Wala ring pinipiling kasarian ang kundisyon na ito. Kinukonsiderang “rare” ang kundisyon na ito dahil wala ring nakakaalam kung ano ang sanghi nito at kung saan ito nakukuha.

Marami ang nakaramdam ng awa kay Missclyn dahil sa takot na baka laitin siya ng ibang tao, marami din ang nagpahiwatid ng pagmamahal, pagtanggap at pagsuporta sa bata.

Sa ngayon ay wala pang gamot ang werewolf syndrome pero ang payo ng mga dermatologist at doctors, pwedeng sumailalim ang taong may ganitong kundisyon sa hair laser removal treatment.