Batang balut vendor, sobrang saya matapos makaligo kahit sa ibaba lang ng swimming pool


Isang batang nagtitinda ng balut sa Baler Aurora ang masayang-masaya matapos niyang makaligo sa isang swimming pool kahit sa ibaba lamang siya. Ayon sa bata ay hindi pa siya nakakaligo sa swimming pool kahit isang beses sa buong buhay niya.


“Nakita ko si otoy sa gilid ng pool sabi ko, “Ano ginagawa mo jan?” Sabi nya, “Kuya paligo lang po ako kahit sandali lang.” Kahit kailan ‘di pa daw sya nakapag-swimming pool sa buhay niya kaya ayun, ‘di ko na pinigilan ang pagligo niya. Kahit sa baba lang ng pool sobrang saya nya kanina ” -JayR Ontong