Batang karga-karga ang maliit na kapatid dahil iniwan sila ng kanilang ina, kinawaan ng marami

Batang karga-karga ang maliit na kapatid dahil iniwan sila ng kanilang ina, kinawaan ng marami

Marami ang nahabag sa isang larawang ibinahagi ng isang netizen na si Lee Yam H. Morillo sa kanyang post ay kanyang ibinahagi ang larawan ng maliliit na paslit habang karga pa ng bata ng kanyang nakakabatang kapatid.

Sa Caption ng netizen “Kawawa naman yung tatlong bata na nakita namin dito sa lumang terminal sa Valencia, Habang karga-karga siya ng kanyang kapatid na babae umiiyak kasi marahil nagugutom”

Dag-dag pa ng netizen “Yung ina nung mga bata wala tapos yung batang umiiyak na karga nung maliit na bata, parang bagong silang lang”

“Nakakaawa naman sana’y matulungan sila ng DSWD para matulungan ang mga batang ito, nakakaawa ang kanilang kalagayan”

Maraming netizen ang nahabag sa post na ito at hindi napagilan na mag komento patungkol dito saad ng isa sa mga netizen

 

“Dapat maisip nung mga ganyang magulang kung hndi nmn kayang buhayin ang bata waga nang dagdagan pa , lalo nat ang bata ang mahihirapan sa sitwasyon”-Angeline
“Let us raise the awareness of Children who are left with no choice but to fight alone because of their parents/relatives absence. In order to realized the “Ang kabataan ang pag asa ng bayan” let us help them first. Kaguol ani. Sakit sa heart as a parent.”-Joliza