Binatang Nakasuot ng Toga, Bitbit ang Diploma sa Puntod ng Kanyang Ama

Binatang Nakasuot ng Toga, Bitbit ang Diploma sa Puntod ng Kanyang Ama

Isang social media user ang bumisita sa puntod ng kanyang mga magulang nang makakita siya ng isang nakakaantig na eksena: Isang binata—na nakasuot ng toga at may hawak na diploma— ang nagpakitang bumisita sa puntod ng kanyang mahal sa buhay para ipakita ang kanyang tagumpay.

“I don’t know [kung sino ang] binisita niya, but one thing’s for sure, special siya sa buhay niya [kasi] gusto niyang ipakita na may malaking achievement siya sa buhay niya,” ani ni JR Lacap sa kanyang post.


“Ramdam ko siya. [Ang] daming achievements at blessings ni Lord sa amin hanggang ngayon, kaso wala na sila. Pero I know, proud sila [sa amin],” ani pa niya.

Sinabi ni Lacap na kasama niya ang kanyang asawa nang makita niya ang binata sa isang sementeryo sa San Fernando City, Pampanga, noong Agosto 16.


Kahit wala siyang ideya kung sino ang binata, hindi niya napigilang sumigaw ng pagbati mula sa malayo habang papaalis na sila.

Lacap added that the man eventually heard his message: “Napatingin siya [at] nagpasalamat. Akala [pa] nga ng misis ko, kakilala ko siya.”