Binatilyong Mahilig Maglaro Ng Basketball, Nabali Ang Braso

Binatilyong Mahilig Maglaro Ng Basketball, Nabali Ang Braso

Likas na sa maraming kabataan ang pagkahilig sa larong “Basketball” na kung saan dito nahahasa ang kanilang talento o pagkahilig sa larong ito.

Ilang mga sikat na PBA player rin ang nagsimula sa larong ito, ngunit kalakip nito ay hindi rin maiiwasan ang mga ganitong pangyayari.

Na magkaroon ng insidente sa paglalaro lamang ng basketball, kagaya nalamang ng isang binatilyo na nabali ang kanyang braso dahil lamang sa paglalaro nito.

Sa kanyang paglalaro kasi ay nagkagit-gitan sila ng kanyang katunggali at nang siya’y tumalon ay sa hindi inaasahan ay napasama ang kanyang bagsak sa lupa ang syang ikinabali ng kanyang braso.

Agad naman dinala ang binatilyo sa manghihilot upang muling maituwid ang kanyang nabaling braso na nagmistulang letrang “S” dahil sa kurba at itsura nito.

Mabuti nalamang ay hindi ganuon kalala ang sinapit ng binatilyo at muli itong naibalik sa dati, at pinayuhan ng manghihilot na wag muna niya itong pwersahin at magpahinga muna

Maging aral din sana ito sa maraming kabataan na sa kanilang paglalaro ng ganitong klasing bagay ay kinakailangan paring mag-ingat.