Birthday Celebrant, nagliyab ng dahil sa “Spray Foam”

Birthday Celebrant, nagliyab ng dahil sa “Spray Foam”

Masayang ipinagdiriwang ng isang dalagita ang kanyang kaarawan habang siya’y kinakantahan ng kaniyang mga malalapit na kaibigan at kaanak.

Nang sindihan na ang ilang mga props sa selebrasyon sa hindi inaasahan na ma sprayan siya ng isa sa kanyang malalapit na kaibigan ng isang spray foam.

Habang naka sindi ang dalawang pailaw ay kasabay naman nito ang pagbuga ng spray foam ng isa sa kanyang kaibigan, ito ang naging hudyat upang pagsimulan ng apoy na agad kumalat sa katawan at mukha ng dalagita.

Agad nag liyab ang apoy sa hindi inaasahang pangyayari, ay nataranta ang mga tao na agad inapula ang apoy sa katawan ng dalagita.

Sa kabutihang palad ay minor lamang ang tinamo nito at hindi naman ganuon kalala ang tinamong sun0g, maging babala narin ito sa mga kabataan at sa ilang mga mag dadaraos ng birthday celebration na iwasan ang mga ganitong insidente upang hindi pamarisan pa