Birthday Celebrant, Nakatanggap ng Cake na May Konting Sermon


Naghatid ng good vibes sa mga netizen ang post ni Cecille sa kanyang facebook kung saan ang dedication sa birthday cake ng kanyang kapatid na si Cybelle ay tila parang naging sermon. Kwento ni Cecille nag request ng cake si Cybelle dahil ayaw nya naman bumili para sa sarili nya at nataon din na wala pang sweldo at enrollment din ng mga pamangkin.


Sinabi ni Cecille na katuwaan lang naman ang dedication at nag ambagan naman ang pamilya para sa cake.

“Tawa lang sya nang tawa. Ganon lang kasi kami pag nag ipon ipon magulo kami na masaya. Kahit kasi sa isang village lang kami nakatira mag kakaiba kasi kami ng block bibihira kaming mag kita kita kasi nga busy kami sa mga kanya kanya naming trabaho.”


“Kaya pag nagkikita kita kami walang seryosong usapan lagi kundi bardagulan at tawanan wala kasing pikon sa amin magkakapatid. Bawal ang pikon sa pamilya namin. Hahahahaha”, dagdag pa ni Cecille.