Birthday Gift Ng Pitong Anak Para Sa Kanilang Ina Umabot Ng Half Million Pesos

Birthday Gift Ng Pitong Anak Para Sa Kanilang Ina Umabot Ng Half Million Pesos

Nauuso ngayon ang iba’t ibang pakulo o sorpresa sa tuwing mayroong espesyal na okasyon kagaya ng birthday at kasal. Kung dati nga ay simpleng regalo, flower bouquet at cake ang madalas nating makita, ngayon ay mayroon ng tinatawag na money cake at money bouquet.

Naging trending na rin ito sa social media at halos lahat ng netizens ay nasubukan ng magbigay ng kakaibang sorpresa sa kanilang mga mahal sa buhay.

Source: Facebook

Sa katunayan, isang ginang ang masayang-masaya sa kaniyang naging kaarawan noong nakaraang buwan ng Enero 2022 dahil umaabot sa mahigit kalahating milyon ang natanggap niyang cash mula sa kaniyang mga anak!

Para na ngang nanalo sa lotto si Nanay Belen sa mismong araw ng kaniyang 77th birthday dahil bawat isa sa pito niyang anak ay nagbigay ng 77,000 pesos!

Sa ibinahaging mga larawan ng anak niyang si Sherwin Mulingtapang ay makikitang hindi lang isa kundi dalawa ang naglalakihang flower bouquet ni Nanay Belen at may payong pa na mayroong nakasabit na mga pera. Syempre hindi mawawala sa okasyon ang cake at masasarap na pagkain pati na rin ang mga birthday decorations kagaya ng mga lobo at Happy Birthday banner.

Samantala, naisipan ng mga magkakapatid na gawing bongga ang birthday ng kanilang ina dahil dalawang taon din itong hindi nakapag-celebrate ng maayos dahil nagkaroon ng pand3miya. Kaya naman ginawa nila ang lahat para maging memorable ang espesyal na araw ng kanilang nanay ngayong taong 2022 at nagkasundo nga na bigyan ito ng limpak-limpak na salapi.

Source: Facebook

Sino nga ba ang hindi mapapatalon sa tuwa dahil sa mga sorpresang ito. Mapapansin sa ngiti ni Nanay Belen ang abot-langit na saya at lubos siyang nagpapasalamat sa kaniyang mga anak na ngayon ay parehong mayroon ng magandang buhay.

Hindi nga mapigilang mapa-sana all ng mga netizens at naging inspirasyon ang kwentong ito sa ating mga kababayan na mas lalo pang magsumikap sa buhay hindi lang para sa sariling pangarap kundi para na rin makapagbigay ng saya sa ating mga magulang.