Bride, Nagsuot ng Gintong Mga Alahas na May Bigat na 60 Kilos sa Araw ng Kanyang Kasal!

Bride, Nagsuot ng Gintong Mga Alahas na May Bigat na 60 Kilos sa Araw ng Kanyang Kasal!

Marami sa mga kakabaihan ay nangangarap na maikasal sa lalaking gusto nila. Napaka-halaga ng araw ng kasal para sa isang babae kaya naman kadalasan, mahaba-habang panahon ang ginugugol ng mag-partner para maging maayos at maganda ang araw ng kanilang kasal. Mula sa bonggang gown hanggang sa magagandang sapatos ay talaga naman pinagkaka-abalahan pang gastusan dahil ani nga nila, minsan lamang ito mangyari sa buhay ng tao.


Kakaibang bride naman ang nag-viral mula sa Hubei Province, China. Dahil hindi lamang ang gown niya ang pinabongga dahil pati ang kanyang mga alahas. Ginto lahat ng alahas na kanyang suot na aabot sa 60 kilograms.

Kumpleto ang alahas ng bride na ito simula hikaw, kwintas, pulseras at marami pang iba. Ayon sa ulat, ang mga gintong alahas ng bride na ito ay galing sa kanyang mapapangasawa.


Tila nahihïrapan ang bride sa kanyang mga suot na gintong alahas ngunit tuloy pa rin ang kasal at masaya pa rin siya sa kanyang big day.