Bunsong Anak Ni Judy Ann Santos Na Si Luna, Excited Sa Face-To-Face Classes!

Bunsong Anak Ni Judy Ann Santos Na Si Luna, Excited Sa Face-To-Face Classes!

Ilan lang sa naapektuhan ng pand3miya ay ang pag-aaral ng mga bata at kung dati nga ay malaya silang nakakalabas ng bahay at nakikita ang mga kaklase sa school ay kinailangan nilang mag-adjust sa ipinatupad na mga online classes. Nagdulot ito ng kalungkutan sa mga bata ngunit sa kabilang banda naman ay naging panahon para mas magkaroon sila ng mahabang oras kasama ang pamilya.

Source: Judy Ann Santos Instagram

Ngayon ay unti-unti ng bumabalik sa normal ang lahat at kasabay nito ang pagbabalik ng tinatawag na face-to-face classes sa mga paaralan. Dahil nga dito ay excited na excited ang mga estudyante at talaga namang naghahanda ang mga ito sa muling pagbabalik sa school tulad nalang ng bunsing anak ni Judy Ann Santos na si Luna.

Source: Judy Ann Santos Instagram

Sa Instagram post ng aktres ay ibinahagi niya ang ilang larawan ng bunsong anak habang suot school bag at handa ng makita ang kaniyang teacher at classmates.

“First day of school for our little bunny.. First day for all of us after 2 1/2 years of online schooling..”, caption ni Juday.

Source: Judy Ann Santos Instagram

Kasama ang asawang si Ryan Agoncillo at si Lucho ay inihatid nila si Luna sa school noong August 2. Dala na rin nila ang ilan pa sa mga gamit ng anak sa school tulad ng libro at ilang pang kailangan sa school activities.

Samantala, hindi maiwasan ng aktres na makaranas ng tinatawag na “sepanx” o separation anxiety dahil kung noon ay halos 24/7 silang magkasama ng bunsong anak, ngayon ay medyo magtatagal na ito sa paaralan.

Source: Judy Ann Santos Instagram

Grade 1 na ngayon si Luna at halos hindi nga makapaniwala si Juday na big girl na pala ang kaniyang little baby noon. Hindi rin nakalimutan ng aktres na pasalamatan ang mga guro na talaga namang ginagawa ang lahat para maibigay ang magandang edukasyon sa mga bata.

“Thank you to all our hardworking teachers, for doing everything to make this happen.”, dagdag pa ng aktres.

Source: Judy Ann Santos Instagram

Nakakatuwa talagang makita ang mga estudyante na sa murang edad pa lang ay nagpapakita na ng determinasyon sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.