Caloy “Ogag” Alde, Pumanaw na sa Edad na 60

Caloy “Ogag” Alde, Pumanaw na sa Edad na 60

Pumanaw na ang komedyanteng si Carlos “Caloy” Alde. Noong Hulyo 23, 2022, kinumpirma ng mga taong malapit kay Caloy, na binawian na ng buhay ang aktor sa edad na 60. Kilala siya bilang “Mr. Bean of the Philippines,” ngunit mas kilala si Caloy bilang “Ogag” (gåg0 spelling backwards) matapos gumanap bilang lead role sa alternative comedy sa TV5 na may parehong titulo.

Habang wala pang sinasabi ang kanyang asawang si Rhoda Porral-Alde at anak na si Marley tungkol sa pagpanaw ni Caloy, ginawang itim ng matriarch ng pamilya ang kanyang display photo sa Facebook. Nagbahagi rin siya ng post mula sa FB group na World of Prayers, tungkol sa paghahanap ng lakas at pag-asa sa gitna ng mga pagsubok.

“My heart is heavy. I’m tired of pretending I’m okay when I’m not. Dear God, please give me Your strength to survive this storm. Amen.”

Sumulat din ng mensahe ng pag-alala at pakikiramay ang ilan sa mga katrabaho ni Caloy sa industriya para sa aktor at sa kanyang pamilya.

“#RIP Kuya Caloy Alde.. wala ng sisigaw ng tape rolling, sabay pagulong ng masking tape… Wala na din pustiso na itatago ni Kuya Long… Wala na ka-jamming si Empoy sa pag nap… Condolences to the whole Alde family…” ani ni Cha Cunanan sa kanyang facebook post.

“Isa sa pinaka-tinitingala ko sa entertainment industry, walang tulad ang comedy mo, isang karangalang makatrabaho ang isang katulad mo kuya Caloy Alde aka OGAG ng Pinas!! Maraming salamat sa mga masayang ala-alang nabigay mo sa aming lahat! Isa kang alamat!!! Rest in Peace kuya Caloyski!!!” ani naman ni Raffy Calicdan.